Inulunsad kamakailan ng Samahan ng Nakatatandang Mamamayan ng Mariblo, Incorporated (SANAMAMA, INC.) ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyales sa pamumuna ni Ms. Salome C. Jordan bilang bagong presidente ng samahan.
Ang panunumpa ay ginanap nuong ika-16 ng Oktuber taong 2011 sa Barangay Mariblo Hall at pinagtibay ni Hon. Francisco 'Boy' Calalay, Jr., Konsehal ng Unang Distrito sa Lungsod Quezon at Punong Barangay Narciso G. Hermosa, Jr. at ang kanyang konseho sa Barangay Mariblo.
Sa maikling pananalita na ipinabatid ng bagong presidente na si Ms. Jordan, kanyang ipinangako na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya kasama ang mga bagong halal na opisyales ng samahan na muling maging aktibo ang mga nakatatandang mamamaayan ng Mariblo. Pipilitin rin niya na alamin at maibahagi sa mga nakatatanda ang mga benepisyo at prebilehiyo na dapat matanggap ng mga nakatatandang miyembro ng samahan.
Bilang paunang pagtugon sa pangangailangan ng katandaan, kanyang inanyayahan ang mga nakakatanda ng barangay ng Mariblo na magpamiyembro upang ganap na matanggap ang mga prebelehiyong ukol para sa mga nakatatanda.
Kanya ring ipinagbigay alam na ang mga opisyales ng samahan ay handang tumulong at umalalay sa anumang pangangailangan ng mga nakatatandang miyembro sa abo't ng kanilang makakaya.
Samantala malugod na ipinagbigay ni Punong Barangay Narciso G. Hermosa, Jr., kanyang taos puso niyang pagtulong sa samahan upang maging matagumpay ang mga magagandang layunin na kanilang gagawin upang muling sumigla ang samahan. Ipinagbigay alam niya na bilang pagtugon sa pangangailangan ng samahan, siya ay magpapagawa ng isang maliit na opisina sa loob ng barangay upang pormal na magkaroon ng maayos an tanggapan ang samahan.
No comments:
Post a Comment